17 Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy?
18 Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban.
19 Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan.
20 Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21 Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.”
22 Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan.
23 Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan.