1 Tungkol naman sa tulong para sa mga kapatid sa Jerusalem, gawin ninyo iyon ayon sa sinabi ko sa mga iglesya sa Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang huwag nang manghingi pa ng tulong pagpunta ko riyan.
3 Pagdating ko riyan, bibigyan ko ng sulat ang mga taong pipiliin ninyo upang magdala ng inyong tulong sa Jerusalem.
4 At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila.
5 Pupunta ako riyan pagkagaling ko sa Macedonia, sapagkat binabalak kong dumaan doon.
6 Magtatagal ako riyan at maaaring diyan na ako magpapalipas ng taglamig upang ako'y matulungan ninyo saan man ako pupunta.
7 Ayaw kong ako'y dadaan lamang diyan; nais kong magtagal nang kaunti kung loloobin ng Panginoon.