3 Pagdating ko riyan, bibigyan ko ng sulat ang mga taong pipiliin ninyo upang magdala ng inyong tulong sa Jerusalem.
4 At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila.
5 Pupunta ako riyan pagkagaling ko sa Macedonia, sapagkat binabalak kong dumaan doon.
6 Magtatagal ako riyan at maaaring diyan na ako magpapalipas ng taglamig upang ako'y matulungan ninyo saan man ako pupunta.
7 Ayaw kong ako'y dadaan lamang diyan; nais kong magtagal nang kaunti kung loloobin ng Panginoon.
8 Titigil ako sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes
9 dahil may magandang pagkakataon dito para sa paglilingkod, kahit na maraming humahadlang.