4 At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila.
5 Pupunta ako riyan pagkagaling ko sa Macedonia, sapagkat binabalak kong dumaan doon.
6 Magtatagal ako riyan at maaaring diyan na ako magpapalipas ng taglamig upang ako'y matulungan ninyo saan man ako pupunta.
7 Ayaw kong ako'y dadaan lamang diyan; nais kong magtagal nang kaunti kung loloobin ng Panginoon.
8 Titigil ako sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes
9 dahil may magandang pagkakataon dito para sa paglilingkod, kahit na maraming humahadlang.
10 Pagdating diyan ni Timoteo, ipadama ninyo ang inyong pagtanggap sa kanya upang mapanatag ang kanyang kalooban, sapagkat siya'y tulad kong naglilingkod sa Panginoon.