10 Kung ikaw na may sapat na kaalaman ay kumakain sa loob ng templo ng mga diyus-diyosan, at makita ka ng mahina pa sa pananampalataya, hindi kaya siya mabuyong kumain niyon kahit inihandog sa diyus-diyosan?
11 Dahil sa inaakala mong “kaalaman” ay napapahamak ang iyong mahinang kapatid na tinubos din ng kamatayan ni Cristo.
12 Sa ganoong paraan, nagkakasala kayo kay Cristo dahil itinulak ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid sa paggawa ng mga bagay na labag sa kanyang budhi.
13 Kaya nga, kung dahil sa pagkain ng karne ay magkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain niyon upang hindi siya magkasala.