1 Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako apostol? Hindi ba't nakita ko si Jesus na ating Panginoon? Hindi ba kayo ang bunga ng aking paglilingkod sa kanya?
2 Ang iba'y ayaw kilalanin ang aking pagka-apostol, subalit para sa inyo, ako'y isang apostol, at kayo ang katibayang ako'y apostol nga ng Panginoon.
3 Ito ang sagot ko sa mga pumupuna sa akin.
4 Wala ba kaming karapatang tustusan ng iglesya sa aming pangangailangan?
5 Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang Cristiano, tulad ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at gayundin ni Pedro?
6 Kami lamang ba ni Bernabe ang walang karapatang tumigil sa paghahanapbuhay?