22 Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.
23 Huwag puro tubig lang ang iyong iinumin; uminom ka rin ng kaunting alak na gamot sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.
24 May mga taong lantad na ang kasalanan bago pa humarap sa hukuman. At mayroon din namang ang kasalanan ay huli na kung mahayag.
25 Gayundin naman, may mabubuting gawa na madaling mapansin; ngunit kung hindi man mapansin agad, ito'y hindi maililihim habang panahon.