5 ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.
6 At kung lubusan na kayong sumusunod, nakahanda kaming parusahan ang lahat ng sumusuway.
7 Ang mga bagay na panlabas lamang ang tinitingnan ninyo. Kung naniniwala ang sinuman na siya'y nakipag-isa kay Cristo, isipin niyang kami man, tulad niya, ay nakipag-isa rin kay Cristo.
8 Ipagmalaki ko man ang kapangyarihang ibinigay sa amin ng Diyos sa ikakatibay ninyo at hindi sa ikapapahamak, hindi ako mapapahiya.
9 Huwag ninyong isiping tinatakot ko kayo sa sulat kong ito.
10 Sinasabi ng ilan na sa sulat lamang ako matapang, ngunit sa harapan nama'y walang magawâ.
11 Dapat malaman ng mga taong nagsasabi ng ganyan na kung ano ang sinasabi namin sa sulat ngayong malayo kami, ay siya rin naming gagawin kapag kaharap na ninyo kami.