6 Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.
7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8 Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko,
9 at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos.
10 Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus.
11 Totoo ang kasabihang ito:“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,mabubuhay din tayong kasama niya.
12 Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,maghahari din tayong kapiling niya.Kapag siya'y ating ikinahiya,ikakahiya rin niya tayo.