3 Sumagot siya, “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?”
4 Sumagot naman sila, “Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa.”
5 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo.
6 Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae.
7 ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa
8 at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa.
9 Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”