8 Kaya't sinunggaban nila at pinatay ito, at pagkatapos ay itinapon ang kanyang bangkay sa labas ng ubasan.
9 “Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupuntahan niya at papatayin ang mga katiwalang iyon, at ang ubasan ay ipapamahala niya sa iba.
10 Hindi ba't nabasa na ninyo ang sinasabi sa kasulatan,‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahayang siyang naging batong-panulukan.
11 Ito'y ginawa ng Panginoon,at kahanga-hangang pagmasdan?’”
12 Nang mahalata ng mga pinuno ng mga Judio na sila ang pinapatamaan ng talinhagang iyon, tinangka nilang dakpin si Jesus. Subalit hindi nila ito magawâ sapagkat natatakot sila sa mga tao. Kaya't umalis na lamang sila at iniwan si Jesus.
13 Ilang Pariseo at ilan sa mga tagasunod ni Herodes ang pinapunta kay Jesus upang siluin siya sa kanyang pananalita.
14 Kaya lumapit sila sa kanya at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo'y tapat at walang kinikilingan. Pantay-pantay ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao at itinuturo ninyo ang tunay na kalooban ng Diyos para sa tao. Nais po naming itanong kung labag ba sa ating Kautusan ang magbayad ng buwis sa Emperador. Dapat po ba kaming magbayad ng buwis o hindi?”