16 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa upang kumuha ng balabal.
17 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso!
18 Ipanalangin ninyong huwag mangyari ang mga ito sa panahon ng taglamig,
19 sapagkat sa mga panahong iyon ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at hindi na muling mararanasan pa kahit kailan.
20 At kung hindi paiikliin ng Panginoon ang panahong iyon, walang sinuman ang makakaligtas; subalit alang-alang sa kanyang mga hinirang, paiikliin niya iyon.
21 “Kung may magsabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o kaya'y ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala.
22 Sapagkat may mga magpapanggap na Cristo at may mga magpapanggap na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, ang mga hinirang ng Diyos.