54 Si Pedro'y sumunod kay Jesus, ngunit malayo ang agwat niya kay Jesus. Nagtuloy siya hanggang sa patyo ng pinakapunong pari at naupo upang magpainit sa tabi ng apoy. Katabi niya roon ang mga bantay.
55 Ang mga punong pari at ang buong Sanedrin ay naghahanap ng maipaparatang kay Jesus upang siya'y maipapatay, ngunit wala silang makita.
56 Marami ngang saksi ang nagsasabi ng kasinungalingan laban sa kanya, ngunit hindi naman nagkakaisa ang kanilang mga patotoo.
57 May ilang sumaksi ng kasinungalingan laban sa kanya,
58 “Narinig naming sinabi ng taong iyan, ‘Gigibain ko ang Templong ito na gawa ng tao at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na di gawa ng tao.’”
59 Ngunit hindi pa rin nagkaisa ang kanilang mga patotoo.
60 Tumayo ang pinakapunong pari sa harap ng kapulungan at tinanong si Jesus, “Wala ka bang isasagot sa paratang nila sa iyo?”