9 tinanong sila ni Pilato, “Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?”
10 Sinabi niya ito sapagkat batid ni Pilato na inggit lamang ang nag-udyok sa mga punong pari upang isakdal si Jesus.
11 Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang mga tao na si Barabbas ang hilinging palayain.
12 Kaya't muli silang tinanong ni Pilato, “Ano naman ang gusto ninyong gawin ko sa taong ito na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?”
13 “Ipako siya sa krus!” sigaw ng mga tao.
14 “Bakit, ano ba ang kasalanan niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
15 Sa paghahangad ni Pilato na mapagbigyan ang mga tao, pinalaya niya si Barabbas at si Jesus naman ay kanyang ipinahagupit, at pagkatapos ay ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.