11 Sinabi niya, “Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinhaga.
12 Nang sa gayon,‘Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakakita,at makinig man sila nang makinig ay hindi makakaunawa.Kung gayon, sana'y nagbalik-loob sila sa Diyosat nagkamit sana sila ng kapatawaran.’”
13 Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinhagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinhaga?
14 Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhing inihahasik ay ang mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos
15 at ang mga binhi namang nalaglag sa daan ay ang mga taong nakikinig sa mensahe ng Diyos. Pagkarinig nila'y dumating si Satanas at inalis ang mensaheng inihasik sa kanila.
16 “Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig at malugod na tumatanggap sa mensahe ng Diyos.
17 Subalit ang mensahe ay hindi tumitimo sa kanilang puso kaya't hindi sila nananatili doon. Pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa mensahe ng Diyos, agad silang sumusuko.