3 Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan.
4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos,
5 ngunit kami'y umaasa na kami'y magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
6 Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa mga gawaing udyok ng pag-ibig.
7 Mabuti na sana ang inyong ginagawa. Sino ang pumigil sa inyong pagsunod sa katotohanan?
8 Hindi iyan gagawin ng Diyos na tumawag sa inyo.
9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.”