12 Isang tagaroon ang sumagot, “Bakit naman hindi? Baka siya pa nga ang kanilang pinuno.” At dahil dito, nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”
13 Pagkatapos ng pangyayaring iyon, si Saul ay nagpunta sa altar sa burol.
14 Pagdating doon, si Saul at ang kasama niyang lingkod ay tinanong ng kanyang tiyo, “Saan ba kayo nagpunta?”Sumagot siya, “Hinanap po namin ang mga asno. Nang hindi ko makita, nagtuloy kami kay Samuel.”
15 Sinabi ng kanyang tiyo, “Ano ang sinabi sa iyo ni Samuel?”
16 Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na raw ang mga asnong hinahanap namin.” Ngunit hindi niya binanggit ang tungkol sa pagkahirang sa kanya bilang hari ng Israel.
17 Ang mga Israelita ay tinawag ni Samuel sa isang banal na pagpupulong sa Mizpa.
18 Sinabi niya, “Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Inilabas ko kayo sa Egipto. Iniligtas ko kayo sa mga Egipcio at sa mga kahariang nagpapahirap sa inyo.