1 Nang magbalik si David buhat sa matagumpay na pakikidigma laban sa mga Amalekita, tumigil siya ng dalawang araw sa Ziklag.
2 Nang sumunod na araw, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuotan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.
3 “Saan ka galing?” tanong ni David.“Tumakas po ako sa kampo ng Israel,” sagot ng lalaki.
4 “Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ni David.“Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan,” sagot ng lalaki.
5 “Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?” tanong ni David.