17 Dahil dito, kumanta si David ng isang awit ng pagluluksa bilang alaala kina Saul at sa anak nitong si Jonatan. (
18 Iniutos niyang ituro ito sa lahat ng mamamayan ng Juda. Nakasulat ito sa Aklat ni Jaser.)
19 “Karangalan ng Israel sa burol ay niyurakan,nang mabuwal ang magigiting mong kawal!
20 Dapat itong ilihim, hindi dapat ipaalam,lalo sa Gat, at Ashkelon, sa liwasan at lansangan;kung ito ay mababatid, tiyak na magdiriwang,ang mga Filisteong mga Hentil ang magulang.
21 “Ang lupain ng Gilboa, ang iyong mga bundok, hindi na dapat ulanin, ni bigyan kahit hamog,mga bukid mo'y hindi na makapaghandog.Pagkat sandata ni Saul ay sa iyo nadungisan,na dati-rating makintab, ngayo'y balot ng kalawang.
22 “Ang pana ni Jonatan noo'y hindi nabibigo.Ang kay Saul na sandata ay hindi naigugupo.
23 “Si Saul at si Jonatan ay ulirang mag-ama,sa buhay at kamatayan ay palaging magkasama.Bilis nila'y higit pa sa agila, higit pa kaysa leon ang lakas na taglay nila.