1 Inawit ni David ang awit na ito para kay Yahweh nang araw na iniligtas siya ni Yahweh mula sa kamay ng kanyang mga kaaway at sa kamay ni Saul.
2 “Si Yahweh ang aking tagapagligtas,matibay na muog na aking sanggalang.
3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan,aking kalasag at tanging kaligtasan.Siya ang aking pananggalang,sa mga marahas ay siya kong tanggulan.
4 Kay Yahweh ako'y tumatawag,sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas.Purihin si Yahweh!
5 “Pinapalibutan ako ng alon ng kamatayan,tinutugis ako nitong agos ng kapahamakan.