11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad;sa bilis ng hangin siya ay naglayag.
12 Nagtago sa likod ng dilim,naipong tubig, ulap na maitim.
13 At magmula roon gumuhit ang kidlat,at sa harap niya'y biglang nagliwanag.
14 Nagpakulog si Yahweh mula sa langit,tinig ng Kataas-taasang Diyos ay narinig.
15 Mga palaso niya'y pinakawalan,dahil sa kidlat mga kaaway niya'y nagtakbuhan.
16 Sa sigaw ni Yahweh sa mga kaaway,sa apoy ng galit niyang nag-aalab,ang tubig sa dagat ay halos maparam,mga pundasyon ng mundo'y naglitawan.
17 “Mula sa ilalim ng tubig sa dagat,iniahon ako't kanyang iniligtas.