18 Iniligtas ako sa mga kaawayna di ko makayang mag-isang labanan.
19 Sa kagipitan ko, ako'y sinalakay,subalit para sa akin si Yahweh ang lumaban.
20 Sapagkat sa akin siya'y nasiyahan,iniligtas niya ako sa kapahamakan.
21 “Ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran,pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan.
22 Sapagkat ang tuntunin ni Yahweh ay aking sinunod,hindi ako lumihis sa landas ng aking Diyos.
23 Aking sinunod ang buong kautusan,isa mang utos niya'y hindi ko sinuway.
24 Nalalaman niyang ako'y walang sala,sa gawang masama'y lumalayo tuwina.