2 “Si Yahweh ang aking tagapagligtas,matibay na muog na aking sanggalang.
3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan,aking kalasag at tanging kaligtasan.Siya ang aking pananggalang,sa mga marahas ay siya kong tanggulan.
4 Kay Yahweh ako'y tumatawag,sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas.Purihin si Yahweh!
5 “Pinapalibutan ako ng alon ng kamatayan,tinutugis ako nitong agos ng kapahamakan.
6 Daigdig ng mga patay, ako'y pinupuluputan,patibong ng kamatayan, ang aking dinaraanan.
7 “Sa kagipitan ko, ako ay tumawag,ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap.Mula sa templo niya ay kanyang dininig,ang aking pagsamo at ang aking hibik.
8 “Nayanig ang lupa nang siya'y magalit,at nauga pati sandigan ng langit.