22 Sapagkat ang tuntunin ni Yahweh ay aking sinunod,hindi ako lumihis sa landas ng aking Diyos.
23 Aking sinunod ang buong kautusan,isa mang utos niya'y hindi ko sinuway.
24 Nalalaman niyang ako'y walang sala,sa gawang masama'y lumalayo tuwina.
25 Kaya't ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran;pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan.
26 “Sa mga taong tapat, ikaw rin ay tapat,sa mga matuwid, matuwid kang ganap.
27 Sa pusong malinis, bukás ka at tapat,ngunit sa mga baluktot, hatol mo'y marahas.
28 Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas,ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.