34 Tulad ng sa usa, paa ko'y pinatatag,sa mga bundok iniingatan akong ligtas.
35 Sinanay niya ako sa pakikipagdigma,matigas na pana kaya kong mahila.
36 “Ako'y iniligtas mo, Yahweh, ng iyong kalinga,at sa tulong mo ako'y naging dakila.
37 Binigyan mo ako ng pagtataguan,kaya di mahuli ng mga kalaban.
38 Mga kaaway ko ay aking tinugis,hanggang sa malipol, di ako nagbalik.
39 Nilipol ko sila at saka sinaksak,at sa paanan ko sila ay bumagsak!
40 Pinalakas mo ako para sa labanan,kaya't nagsisuko ang aking kalaban.