40 Pinalakas mo ako para sa labanan,kaya't nagsisuko ang aking kalaban.
41 Mga kaaway ko'y iyong itinaboy,mga namumuhi sa aki'y pawang nalipol.
42 Humanap sila ng saklolo, ngunit walang matagpuan.Hindi sila pinansin ni Yahweh nang sila'y nanawagan.
43 Tinapakan ko sila hanggang sa madurog,pinulbos ko silang parang alikabok;sa mga lansangan, putik ang inabot.
44 “Sa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas,pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas;at marami pang ibang sumuko't nabihag.
45 Ang mga dayuhan sa aki'y yumuyukod,kapag narinig ang tinig ko, sila'y sumusunod.
46 Sa laki ng takot ay naglalabasansa kanilang kutang pinagtataguan.