43 Tinapakan ko sila hanggang sa madurog,pinulbos ko silang parang alikabok;sa mga lansangan, putik ang inabot.
44 “Sa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas,pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas;at marami pang ibang sumuko't nabihag.
45 Ang mga dayuhan sa aki'y yumuyukod,kapag narinig ang tinig ko, sila'y sumusunod.
46 Sa laki ng takot ay naglalabasansa kanilang kutang pinagtataguan.
47 “Mabuhay si Yahweh! Purihin ang aking batong tanggulan.Dakilain ang aking Diyos! Ang bato ng aking kaligtasan.
48 Nilulupig niya ang aking kalabanat pinapasuko sa aking paanan.
49 Iniligtas ako sa aking kaaway,ako'y inilayo sa sumasalakay;sa taong marahas, ipinagsanggalang.