8 “Nayanig ang lupa nang siya'y magalit,at nauga pati sandigan ng langit.
9 Nagbuga ng usok ang kanyang ilong,at mula sa bibig, lumabas ang apoy.
10 Hinawi ang langit, bumabâ sa lupamakapal na ulap ang tuntungang pababa.
11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad;sa bilis ng hangin siya ay naglayag.
12 Nagtago sa likod ng dilim,naipong tubig, ulap na maitim.
13 At magmula roon gumuhit ang kidlat,at sa harap niya'y biglang nagliwanag.
14 Nagpakulog si Yahweh mula sa langit,tinig ng Kataas-taasang Diyos ay narinig.