1 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Moab,kaya sila'y paparusahan ko.Sinunog nila at pinulbos ang mga buto ng hari ng Edom.
2 Susunugin ko ang lupain ng Moab;tutupukin ko ang mga tanggulan sa Keriot.Masasawi ang mga taga-Moab sa gitna ng ingay ng labanan,sa sigawan ng mga kawal at tunog ng mga trumpeta.
3 Papatayin ko ang hari ng Moab,gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.”
4 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda,kaya sila'y paparusahan ko.Hinamak nila ang aking mga katuruan;nilabag nila ang aking mga kautusan.Iniligaw sila ng mga diyus-diyosangpinaglingkuran ng kanilang mga ninuno.