4 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda,kaya sila'y paparusahan ko.Hinamak nila ang aking mga katuruan;nilabag nila ang aking mga kautusan.Iniligaw sila ng mga diyus-diyosangpinaglingkuran ng kanilang mga ninuno.
5 Susunugin ko ang Juda;tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.”
6 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel,kaya sila'y paparusahan ko.Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid,at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang.
7 Niyuyurakan nila ang mga aba;ipinagtutulakan nila ang mahihirap.Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin,kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.
8 Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altarang balabal na sangla ng isang may utang.Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinumanng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.
9 Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo,na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina.Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila.
10 Inilabas ko kayo mula sa Egipto,pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon,at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo.