1 Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ni Yahweh laban sa inyo na inilabas niya mula sa Egipto:
2 “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa,kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan.Kaya't kayo'y aking paparusahandahil sa inyong mga kasalanan.”
3 Maaari bang magsama sa paglalakbayang dalawang taong hindi nagkakasundo?
4 Umuungal ba ang leon sa kagubatankung wala siyang mabibiktima?Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib,kung wala siyang nahuling anuman?