5 Mabibitag ba ang isang ibonkung hindi pinainan?Iigkas ba ang bitagkung ito'y walang huli?
6 Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod,hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao?Kapag may sakunang dumating sa lunsod,hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon?
7 Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos,kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta.
8 Kapag umungal ang leon,sino ang hindi matatakot?Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh,sinong hindi magpapahayag?
9 Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod,at sa mga tanggulan ng Egipto,“Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria,tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon,maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.”
10 “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh.“Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay.
11 Kaya't lulusubin sila ng isang kaaway,wawasakin ang kanilang mga tanggulan,hahalughugin ang kanilang mga tahanan.”