6 Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay,pagkat itong aking balat ay nasunog lang sa araw.Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan,nagkaisa silang ako'y pagbantayin ng ubasan.Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman,anupa't ang sarili ay kusa kong napabayaan.
7 Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal,sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan;sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan?Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw.
8 Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda,ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa.Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaansa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan.
9 Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang?Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung pagmasdan!
10 Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit,na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit.Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong rikit,lalo na nga kung may kuwintas na doon ay nakasabit.
11 Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay,palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay.
12 Habang siya'y nakahimlay, tila hari ang katulad,ako nama'y magsasabog ng mabangong halimuyak.