1 Ang paa mong makikinis,O babaing tila reyna,ang hugis ng iyong hita, isang obra maestra.
2 Ang pusod mo'y anong rikit, mabilog na tila kopa,laging puno niyong alak na matamis ang lasa.Balakang mo'y mapang-akit, bigkis-trigo ang kapara,ang paligid ay tulad ng mga liryong kay gaganda.
3 Ang iyong dibdib, O giliw, parang kambal na usa,punung-puno pa ng buhay, malulusog, masisigla.
4 Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol,mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon.Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon,mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.
5 Para bang Bundok ng Carmel, ulo mong napakaganda,ang buhok mong tinirintas, kasingganda ng purpura,kaya naman pati hari'y nabihag mo't nahalina.
6 Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo, aking sinta,sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.
7 Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palmera,ang dibdib mong ubod yaman ay tulad ng buwig niya.