10 Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito'y bago.” Ngunit naganap na iyon noong di pa tayo tao.
11 Hindi na maalala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malilimutan din sa hinaharap.
12 Ako, ang Mangangaral, ay naging hari ng Israel.
13 Siniyasat ko at pinag-aralang mabuti ang lahat ng bagay sa buong mundo. At nakita kong ang tao'y itinalaga ng Diyos sa matinding paghihirap.
14 Nakita kong ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan; ito'y tulad lang ng paghahabol sa hangin.
15 Hindi na maitutuwid ang baluktot at hindi na maibibilang ang wala.
16 Sinabi ko sa aking sarili, “Ang karunungan ko'y higit sa sinundan kong mga hari ng Jerusalem. Alam ko kung ano ang tunay na karunungan at kaalaman.”