46 Purihin ninyo ang Panginoon, mga hamog at yelong nalalaglag;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
47 Purihin ninyo ang Panginoon, mga gabi at mga araw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
48 Purihin ninyo ang Panginoon, liwanag at kadiliman;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
49 Purihin ninyo ang Panginoon, yelo at ginaw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
50 Purihin ninyo ang Panginoon, yelo at taglamig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
51 Purihin ninyo ang Panginoon, mga kidlat at mga ulap;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
52 “O lupa, dakilain mo ang Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.