52 “O lupa, dakilain mo ang Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
53 Purihin ninyo ang Panginoon, mga bundok at mga burol;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
54 Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tumutubo sa lupa;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
55 Purihin ninyo ang Panginoon, mga dagat at mga ilog;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
56 Purihin ninyo ang Panginoon, mga batis at mga bukal;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
57 Purihin ninyo ang Panginoon, mga balyena at lahat ng nilikhang nasa tubig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
58 Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng ibon sa himpapawid;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.