59 Purihin ninyo ang Panginoon, mga kawan at maiilap na hayop;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
60 “Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tao sa daigdig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
61 Purihin ninyo ang Panginoon, bansang Israel;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
62 Purihin ninyo ang Panginoon, mga paring naglilingkod sa Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
63 Purihin ninyo ang Panginoon, mga lingkod ng Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
64 Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga tapat;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
65 Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga banal at mapagpakumbabá;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.