4 na noon ay isa nang makapangyarihang tao sa kaharian. Bantog na sa buong kaharian ang kanyang pangalan at patuloy pang lumalaki ang kanyang kapangyarihan.
5 Nilipol nga ng mga Judio ang kanilang mga kaaway at ginawa nila ang kanilang gusto sa lahat ng napopoot sa kanila.
6 Sa lunsod lamang ng Susa, limandaan ang kanilang napatay.
7 Kasama sa napatay sina Farsandata, Dalfon, Aspata,
8 Porata, Adalia, Aridata,
9 Parmasta, Arisai, Aridai at Vaizata,
10 pawang mga anak ni Haman na anak ni Hamedata at kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi nila sinamsam ang ari-arian ng kanilang mga kaaway.