7 Ang hari ng Samaria ay mapapahamaktulad ng sanga na tinatangay ng tubig.
8 Wawasakin ang mga altar sa burol ng Aven,na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar,at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,”at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”
9 Sinabi ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;mula pa noong sila'y nasa Gibea.Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.
10 Sasalakayin ko ang bayan,at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.
11 “Ang Efraim ay parang dumalagang bakana sanay at mahilig sa gawang paggiik,ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;ang Juda ang dapat humila ng araro;at ang Israel naman ang hihila ng suyod.
12 Maghasik kayo ng katuwiran,at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig.Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa,sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh.Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala.
13 Ngunit naghasik kayo ng kalikuan,at kawalang-katarungan ang inyong inani,kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan.“Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan,at sa lakas ng marami ninyong mandirigma,