1 Ang Efraim ay umaasa sa wala,at maghapong naghahabol sa hangin.Puro kasinungalingan at karahasan ang ginagawa;nakikipag-isa sa Asiria,at nakikipagkalakal sa Egipto.”
2 May paratang si Yahweh laban sa Juda.Paparusahan niya si Jacob ayon sa masama nitong pamumuhay,at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa.
3 Nang sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal,at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na.
4 Nakipagbuno siya sa anghel at nagwagi,umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain.Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel,at ito'y nakipag-usap sa kanya.
5 Si Yahweh ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,Yahweh ang kanyang pangalan.
6 Kaya't manumbalik kayo sa Diyos,at mamuhay kayong may pag-ibig at katarungan,patuloy kayong umasa sa kanya.