3 Nang sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal,at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na.
4 Nakipagbuno siya sa anghel at nagwagi,umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain.Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel,at ito'y nakipag-usap sa kanya.
5 Si Yahweh ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,Yahweh ang kanyang pangalan.
6 Kaya't manumbalik kayo sa Diyos,at mamuhay kayong may pag-ibig at katarungan,patuloy kayong umasa sa kanya.
7 Sinabi ni Yahweh, “Gustung-gusto nilang gamitinang timbangang may daya.
8 Nais nilang apihin ang kanilang kapwa.Sinasabi nila, ‘Ako'y talagang mayaman,nakamtan ko ang kayamanang ito para sa aking sarili.’Ngunit lahat man ng kanyang kayamanan ay hindi sapat,pambayad sa nagawa niyang kasalanan.
9 Ako si Yahweh, ang Diyosna naglabas sa inyo sa Egipto;muli ko kayong papatirahin sa mga tolda,gaya nang panahon ng mga itinakdang kapistahan.