1 Noong una, kapag nagsalita si Efraim,ang mga tao ay nanginginig sa takot,sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel.Ngunit nagkasala siya at nahatulang mamatay dahil sa pagsamba kay Baal.
2 Hanggang ngayo'y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan.Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan.Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito!At halikan ninyo ang mga guyang ito.”
3 Kaya nga, matutulad sila sa mga ulap sa umagao sa hamog na madaling naglalaho;gaya ng ipa na inililipad ng hangin,gaya ng usok na tinatangay sa malayo.
4 Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos.Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto.Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako,at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin.