11 Ang Efraim ay katulad ng isang kalapati,mangmang at walang pang-unawa;tumatawag sa Egipto, at sumasangguni sa Asiria.
12 Sa kanilang pag-alis, lambat ko sa kanila'y ihahagis,huhulihin ko sila na parang mga ibon sa papawirin.Paparusahan ko sila dahil sa masasama nilang gawain.
13 “Mapapahamak sila dahil sa paglayo sa akin!Lilipulin sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin!Tutubusin ko sana sila,ngunit nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
14 Tumatangis sila sa kanilang mga higaan,ngunit hindi taos puso ang kanilang pagtawag sa akin.Sinasaktan nila ang sarili dahil sa pagkain at sa alak,pagkatapos ay naghihimagsik sila laban sa akin.
15 Bagama't sinanay ko sila at pinalakas,nagbalak pa sila ng masama laban sa akin.
16 Humihingi sila ng tulong kay Baal;ang katulad nila'y taksil na mandirigma.Masasawi sa espada ang mga pinuno niladahil sa kanilang palalong dila.Ito ang dahilan ng panlilibak sa kanila sa lupain ng Egipto.”