1 Sumagot naman si Zofar na isang Naamita,
2 “Palalampasin na lang ba ang napakarami mong sinabi?Tama ba ang isang tao kapag ito ay maraming salita?
3 Akala mo ba'y di masasagot ang mga sinabi mo,at sa iyong pangungutya, kami'y di na makapagsasalita?
4 Ipinipilit mong tama ang iyong paniniwala,at sa harap ng Diyos ika'y malinis na lubos.
5 Magsalita sana ang Diyos upang ika'y masagot.
6 Upang masabi sa iyo ang mga lihim ng karunungan,sapagkat napakalalim ng kanyang kaalaman,parusa nga niya sa iyo'y mas maliit kaysa iyong kasalanan.