4 Ipinipilit mong tama ang iyong paniniwala,at sa harap ng Diyos ika'y malinis na lubos.
5 Magsalita sana ang Diyos upang ika'y masagot.
6 Upang masabi sa iyo ang mga lihim ng karunungan,sapagkat napakalalim ng kanyang kaalaman,parusa nga niya sa iyo'y mas maliit kaysa iyong kasalanan.
7 “Masusukat mo ba ang kapangyarihan ng Diyos?Kanyang kadakilaan, iyo bang maaabot?
8 Higit itong mataas kaysa kalangitan,at mas malalim kaysa daigdig ng mga patay.
9 Malawak pa iyon kaysa sanlibutan,higit na malaki kaysa karagatan.
10 Kung dakpin ka ng Diyos at iharap sa hukuman,mayroon bang sa kanya'y makakahadlang?