9 Malawak pa iyon kaysa sanlibutan,higit na malaki kaysa karagatan.
10 Kung dakpin ka ng Diyos at iharap sa hukuman,mayroon bang sa kanya'y makakahadlang?
11 Kilala ng Diyos ang taong walang kabuluhan,kitang-kita niya ang kanilang kasamaan.
12 Ang hangal ay maaaring tumalinokung ang mailap na asno ay ipinanganak nang maamo.
13 “Ang iyong puso, Job, sa Diyos mo isuko at sa kanya iabot ang mga kamay mo.
14 Alisin mo ang kasalanan sa iyong mga kamay, linisin mo sa kasamaan ang iyong tahanan.
15 At taas noo kang haharap sa sanlibutan, matatag ang loob, walang kinatatakutan.