13 Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan,taglay niya'y karunungan at katalinuhan.
14 Walang makakapagtayo muli ng kanyang giniba,sinumang ikulong niya'y walang makakapagpalaya.
15 Nagkakaroon ng tagtuyot kapag pinigilan niya ang ulan,dumarating ang baha kapag tubig ay kanyang pinakawalan.
16 “Makapangyarihan siya at laging nagtatagumpay,ang mandaraya at dinadaya ay nasa kanyang mga kamay.
17 Inaalis niya sa mga pinuno ang taglay nilang dunong,ginagawa niyang hangal ang mga hukom.
18 Inaalis niya sa mga hari ang pamamahala, at sila'y ginagapos niya ng mga tanikala.
19 Maging mga pari'y kanyang hinihiya, mga nasa kapangyarihan kanyang ibinababâ.