3 Kung may pang-unawa ka, ako'y mayroon din,di mo masasabing higit ka kaysa akin,lahat ng sinabi mo'y nalalaman ko rin.
4 Pinagtatawanan ako ngayon ng aking mga kaibigan,kahit ako ay matuwid at walang kasalanan,minsan din nama'y sinagot ng Diyos ang aking kahilingan.
5 Maginhawa ka ngayon, ngunit ako'y iyong kinukutya,hinahampas mo ang isang taong babagsak na sa hina.
6 Ang mga tulisan at masasamang tao'y panatag ang buhay,kahit ang dinidiyos nila ay ang lakas nilang taglay.
7 “Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan.
8 Kausapin mo ang lupa at ikaw ay tuturuan, magpapahayag sa iyo ang mga isda sa karagatan.
9 Silang lahat ay nakakaalam na ang Diyos ang sa kanila'y lumalang.