18 Nakahanda akong ilahad ang aking panig,sapagkat alam ko namang ako ay nasa katuwiran.
19 “O Diyos, lalapit ka ba upang ako'y usigin?Kung gayon, handa akong manahimik at mamatay.
20 Mayroon akong dalawang kahilingan,at ako'y di magtatago kung iyong papayagan.
21 Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin.
22 “Magsalita ka, at aking tutugunin,o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin.
23 Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan?Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman?
24 “Bakit ako'y iyong pinagtataguan?Bakit itinuturing mo akong isang kaaway?